Join for FREE | Take the Tour Lost Password?
Shop deviantART for the
holidays and save BIG!
Click here! :holly:
[x]

deviantART

 

prrrrrrrrrt by ~yra13:iconyra13:



ikaw na nabubuhay sa iyong sariling mundong
pawang anak nang iyong utak na makata,
kung ikaw ay aking mamahalin,
para akong susuong sa isang laban,
na tanging ang imahinasyon mo lamang
ang nakaka alam ng kahihinatnan.

ayon sa'yo, hindi kailanman titibok
ang aking puso sa isang tulad mo.
na wala kang natatanging ugaling sapat
upang bigyan ka ng pangalawang sulyap.
na ang ating paglalakbay ay hanggang
dito na lang sa bayan ng pagkakaibigan.

mali ka.

hindi lang isang beses kong inisip na sana
sa iyo ko na lang iginawad ang aking buhay.
na sana patuloy akong nakipaghabulan,
sa larong nilikha ng iyong mga bangungot.
malamang, hanggang ngayon, hinahanap pa rin kita
at patuloy pa ring nagtatagis ang ating prinsipyo.

at nanalo nga ang iyong takot.
hindi nga ba at nagpanggap ka lamang?
at ako'y hinila mo sa kalawakan na puno
nang pagkukunwari at kasinungalingan.
tama ngang humingi ka ng tawad,
sapagkat ako'y lubhang nasugatan.

mali ka.

ikaw na nabubuhay sa mundong
bawat galaw ay kalkulado, pinagisipan.
at lahat ng reaksyon ay may nakahandang
kasagutan at tamang pagsalungat.
minsan kitang ginusto.
at hindi lang minsan akong nanghinayang.

nalungkot ako sa mga sana,
na hindi na natin masisilayan.
sapagkat nilukuban na tayo ng
mga oras na nasayang sa ating paglalaro.
nawala na ang pagnanasa
ng bukas na ikaw ang kasama.
tama ka.

hindi na tayo uusad mula
sa bayan ng pagkakaibigan.
marami ng maskara ang nasayang
sa ating mahabang tagu-taguan.
may mga peklat akong
pangalan mo ang nakatatak.

ngayon mo malalaman na
ikaw dapat ang mananalo sa karera.
subalit nagsabi ka ng totoo.
nagtapat ka ng iyong pandaraya.
at ako ay minsang mong ginawang
kahiya-hiya sa aking puso.

tama na.

at ngayon nga'y hindi mo ako kinikibo.
matapos ang ating kasunduan
na sisimulan nating muli ang naudlot
at na lamatan nating pagkakaibigan.
minsan mo pa akong binubuhay
sa kahihiyang tanging puso ko ang saksi.

babangon ako ngayon at pipili
ng bagong landas patungo sa bukas.
kung kasama ka ay ikaw lang ang nakakaalam.
hihintayin kita kahit alam kong,
sa paglingon ko ay malayo ka na.
kahit wala ng bukas para sa atin.
©2007-2009 ~yra13
:iconyra13:

Author's Comments

para kay bafing ko.

Comments


love 0 0 joy 0 0 wow 0 0 mad 0 0 sad 0 0 fear 0 0 neutral 0 0
No comments have been added yet.

Details

October 5, 2007
2.6 KB

Statistics

0
0
92 (0 today)
0 (0 today)

Site Map